MANILA, Philippines- Nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na palawigin ang operasyon ng mga tren nito ng isang oras matapos ang kanyang inspeksyon sa light rail system.
Kabilang sa mga ininspeksyon ng Kalihim ang Taft, Ayala at Shaw station ng MRT-3, kung saan nakausap ni Secretary Dizon ang ilang pasahero upang mahingan ng mga suhestiyon kung paano mapabubuti ang serbisyo ng tren. Danny Querubin