MANILA, Philippines- Magpapatuloy ang operasyon ng major rapid transit systems ng Metro Manila ngayong Lunes, April, 21, 2025 matapos sumailalim sa maintenance noong Holy Week.
Sa social media post, sinabi ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na ang unang biyahe sa North Avenue Station ay 4:30 a.m. at 5:05 a.m. sa Taft Ave. Station.
Pananatilihin din nito ang extended operations nito hanggang 10:30 p.m. sa North Avenue Station at 11:09 p.m. sa Taft Ave. Station.
Inanunsyo rin ng Light Rail Transit Authority Line 2 (LRT-2) ang pagpapatuloy ng operasyon nito.
Sinabi pa nito na aalis ang unang tren sa Recto at Antipolo Stations ng 5 a.m.
Samantala, hindi pa nag-aanunsyo ang LRT-1 ng pagpapatuloy ng operasyon nito. RNT/SA