Home NATIONWIDE MRT may #LibrengSakay sa mga bata sa Nov. 6

MRT may #LibrengSakay sa mga bata sa Nov. 6

MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng National Children’s Month, ang Manila Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ay nakatakdang mag-alok ng libreng sakay sa mga bata at menor de edad sa Lunes, Nobyembre 6.

“We are very happy to announce that for the 2023 National Children’s Month celebration, may libreng sakay po ang mga bata sa MRT-3,” ani National Council for the Welfare of Children (CWC) Executive Director Angelo Tamales.

“‘Yung mga bata po na covered nito ay mga nasa grade school hanggang senior high school, so below 18 years old,” ani Tapales.

Ang libreng sakay na serbisyo ay magagamit mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Nilinaw ng CWC na ang mga kasamang nasa hustong gulang ay hindi saklaw ng libreng sakay. RNT

Previous articleAngat hydropower plant pansamantalang isasara
Next articlePNP heightened alert ‘gang Nob. 6 para sa pabalik na pasahero