Home NATIONWIDE MSMEs, middle class gustong ayudahan sa Senado vs Iran crisis

MSMEs, middle class gustong ayudahan sa Senado vs Iran crisis

178
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Senador Bam Aquino ang pangangailangan para sa targeted at agarang tulong mula sa pamahalaan para sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at mahihinang sektor ng middle class na apektado ng pagtaas ng presyo dulot ng sigalot sa Middle East.

Sa isang panayam sa telebisyon, ipinaliwanag ni Aquino na maraming minimum wage earners at maliliit na negosyante ang hindi kwalipikado sa mga tradisyunal na ayuda ng gobyerno ngunit nananatiling apektado ng mga dagok ng ekonomiya.

“Iyong mga middle class na sabihin na nating minimum wage earners or may small businesses. They’re above the poverty line and therefore hindi nila nakukuha iyong mga ayuda pero nasa delikadong sitwasyon sila,” ani Aquino.

“We will see the shocks eventually sa palengke, sa grocery, sa gasoline station, sa sari-sari store. Ito yung masakit talaga. Kailangan iyong gobyerno, mabilis gumalaw. Kung may mga ayuda na pwedeng targeted, mabigay kaagad. Kung may support for industries, mabigay kaagad. Huwag general, dapat specific,” dagdag niya.

Sa panahon ngayon ng mabilis na daloy ng impormasyon, sinabi ni Aquino na dapat gamitin ng gobyerno ang data at mga umiiral na information system upang matiyak na makarating ang tulong sa mga higit na nangangailangan.

“We need to be very targeted sa tulong na ito. And we need to act fast,” diin niya.

Kasabay nito, sinabi ni Aquino na dapat ding palawigin ang targeted na tulong ng gobyerno sa MSMEs at mga manggagawa sa sektor ng transportasyon upang mapanatiling matatag ang ekonomiya sa gitna ng krisis sa langis.

“We need to support our MSMEs. We need to support our transport workers. Napakalaking pondo ang nakalaan sa ayuda. Maybe this is the time na gamitin natin siya. Targeted na paggamit ng ayuda para masigurado natin, yung ekonomiya natin hindi magre-recession,” wika niya.

“We have to keep our businesses open. We have to support our transport driver kasi kung masyado nang mahal para lumabas, ba’t ako lalabas?” dagdag pa niya.

Ayon pa sa Senador, maaaring magbigay ang gobyerno ng suporta sa pamamagitan ng fuel subsidies, direktang tulong pinansyal (ayuda), at pagpapalakas ng ugnayan sa supply chain, kabilang ang mas mataas na procurement mula sa MSMEs. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here