MANILA, Philippines – MULING ibabalik ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa baboy, subalit para sa pag-aangkat lamang.
“We will not set an MSRP for local pork because there is a supply shortage,” ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Sa ngayon, kinokonsulta ng DA ang industry stakeholders ukol sa bagong price ceiling para sa baboy, subalit sinabi ng Kalihim na ang indikatibong MSRP kada kilo ay P270 hanggang P300 para sa pork “kasim” (shoulder cuts) at “pigue” (leg); at P300 hanggang P350 para sa pork “liempo” (belly).
“I will talk to the industry [players]. This is a short-term policy only … to address [price spikes] while the local hog industry is repopulating,” ang sinabi ni Tiu Laurel.
Nauna rito, sinasabing ang nangyaring African swine fever ay isa sa mga dahilan na tinukoy ng DA at industry stakeholders kaya nabawasan ang supply at sumirit ang retail price.
Samantala, ipakikilala naman ng DA ang MSRP para sa baboy sa Marso para maiwasan ang pagtaas ng presyo bago pa ito alisin sa May 15 bunsod na rin ng kahilingan ng industry stakeholders. Kris Jose