Home NATIONWIDE Mt. Halcon, dalawang ilog poproteksyunan ng OrMin gov vs pagmimina

Mt. Halcon, dalawang ilog poproteksyunan ng OrMin gov vs pagmimina

249
0

MANILA, Philippines – Gumagawa na ng paraan ang pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro upang maiwasan ang anumang uri ng pagmimina sa probinsya.

Dahil dito ay nais ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor na maipasa ang isang batas upang proteksyunan ang national treasures ng Oriental Mindoro. Ito ay ang Mount Halcon at Aglubang at Ibulo Rivers, mula sa mga mining activities.

Naalarma ang probinsya makaraang ipawalang-bisa ng Korte Suprema ang provincial ordinance sa kanilang karatig-probinsyang Occidental Mindoro, na nagpapatupad ng 25-year moratorium sa large-scale mining.

May kapareho ring ordinansa ang Oriental Mindoro.

Sa desisyon na may petsang Enero 14, 2025, idineklara ng Korte Suprema ang ordinansa na nagpapatupad ng large-scale mining moratorium sa Occidental Mindoro at bayan ng Abra de Ilog na lumabag sa Republic Act No. 7942, o kilala bilang Philippine Mining Act of 1995.

Ayon sa SC, ang large-scale mining at mineral resource exploration ay legal sa ilalim ng Konstitusyon at RA 7942.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong inihain ng Agusan Petroleum and Mineral Corporation, na nagsasagawa ng mining operations sa Occidental Mindoro.

Ipinaliwanag naman ni Governor Dolor na ang ordinansa ng Oriental Mindoro para sa 25-year moratorium sa large-scale mining ay naipasa noong 2002 at pinalawig noong 2022 ng 50 pang taon dahilan para ito ay maging epektibo hanggang 2052.

Sa kabila nito, nangangamba si Dolor sa naging desisyon ng SC na ipawalang-bisa ang ordinansa ng Occidental Mindoro.

Nagpasa na ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan na humihimok kina Oriental Mindoro 1st Dist. Rep. Arnan Panaligan at 2nd Dist. Rep. Alfonso Umali Jr. na lumikha ng batas na magdedeklara sa Mt. Halcon bilang isang national park, at Agulang at Ibulo rivers bilang watershed reservations.

“Sa ilalim ng Sections 26 at 27 ng local government code, andoon pa rin ang karapatan ng pamahalaan, ito man ay barangay, bayan, lungsod o lalawigan,” ani Dolor.

“Sa pamamagitan ng consultation provision na napapaloob doon, pupuwde pa natin itong harangan, hindi man sa pamamagitan ng 25-year mining moratorium pero sa pamamagitan ng pagpapasa ng Sangguniang Panlalawigan ng resolution na hindi pumapayag o nagbibigay ng konsento,” dagdag pa niya.

Tinukoy din niya ang probisyon sa Philippine Mining Act of 1995 na ang pagmimina ay hindi maaaring magpatuloy nang walang consent mula sa local legislative body.

Dagdag pa aniya rito ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act na nagbabawal ng pagmimina sa mga lugar na idineklarang national parks at watersheds.

“Sapagkat kung ito po ay maaaprubahan sa lalong madaling panahon, maging isang declared protected watersheds area at national parks, hindi na po ito maiibo kailanman, mananatili ang pristine beauty ng ating kabundukan,” ani Dolor.

“Kung hindi po natin ito mamadaliin ay baka ang isunod na pang iasunto ay ang deklarasyon ng nullity ng ating ordinansa sa Oriental Mindoro at dahil may desisyon na sa Occidental Mindoro hindi na sila mahihirapan na i-elevate pa ito sa Korte Suprema dahil sa same nature kaya po lahat ng ways para maiwasan natin ang anumang pagmimina sa ating kabundukan ginagawa natin.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here