Home ENTERTAINMENT Mukha ni Anne, iginuhit sa Session Rd, nag-trending!

Mukha ni Anne, iginuhit sa Session Rd, nag-trending!

Manila, Philippines – Trending na naman these days si Anne Curtis.

Pinagkakaguluhan kasi ng mga local at foreign tourists ang iginuhit niyang mukha ng isang visual artist sa Session Road sa Baguio City.

Colored chalk ang medium na ginamit ng visual artist that is being swarmed by hordes of people sa nasabing kalsada sa summer capital of the Philippines.

Mainit na nga ang panahon with the rise of heat index ay lalo pa itong pinainit ni Anne.

Tuloy, ang TV host-actress ang sinisisi kung bakit OA ang init to the point na maaari kang magka-heat stroke.

As we all know, Dyosa ng kagandahan ang bansag kay Anne.

Nadagdagan na ngayon: Dyosa ng init na rin!

Hayun, the netizens are having a field day on social media!

Karamihan sa mga comments if not all are pointing their accusing finger at Anne sa patindi nang patinding init araw-araw.

Ikina-amuse naman ‘yon ni Anne but she’s quick to defend herself by saying na ang Mother Nature ang may gawa nito.

Even Anne is not spared from the scorching heat although she manages to fight it off.

Lalo pang nag-trending si Anne sa May 1 issue ng Meta Magazine where she graces the cover on beauty.

Todo-thank you naman si Anne dahil appreciated pa rin daw ang kanyang goddess-like beauty considering na may asawa’t anak na siya. Ronnie Carrasco III