Home ENTERTAINMENT Mukha ni Rufa Mae, tumabingi, sinisi ang botox!

Mukha ni Rufa Mae, tumabingi, sinisi ang botox!

Manila, Philippines- Almost perfect na nga kung tutuusin ay hindi pa nakuntento si Rufa Mae Quinto sa ganda ng kanyang mukha.

Ang latest na sumalang sa Toni Talks ni Toni Gonzaga ay ang sexy comedienne.

Isa sa mga pinaksa sa interbyu ay kung anong isang bagay ang pinagsisisihang ginawa ni RMQ.

Diretso niyang inamin na ‘yun daw ang pagpapa-botox niya.

Ani Rufa Mae, nakisabay lang daw siya sa procedure dahil nauso ito noon.

Pero hindi raw niya nagustuhan ang resulta.

Hindi raw niya kasi nakilala ang sarili pag harap niya sa salamin.

Bale ba, lumalaon daw ay tumabingi na ang pisngi niya.

Hindi na raw pantay tingnan ang kanyang cheeks.

Nag-iisa lang naman daw ang botox that Rufa Mae regrets having undergone.

Pagdating sa kanyang married life, nagkasira man daw sila ni Trevor Magallanes ay masaya siya sa naging produkto ng kanilang pagsasama. Ronnie Carrasco III