LEGAZPI CITY- Naghain na ang Philippine National Police ng murder charges laban sa kasintahan ng doktor na binaril-patay sa loob ng sasakyan sa Naga City sa Camarines Sur.
Sinabi ni Lieutenant Colonel Chester Pomar, information officer ng Naga City Police, na inihain ang kaso nitong Biyernes, laban kay Raymart Martinez, na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes.
Natagpuang patay ang kanyang kasintahang si Dr. Rajean Monette Romualdez, sa loob ng isang sasakyan na may tama ng bala sa ulo noong Feb. 16 sa Barangay Concepcion Pequeña sa nasabing lungsod.
Batay sa mga ulat, nagtungo si Martinez sa isang isla sa Cebu matapos ang insidente subalit sumuko sa bayan ng Matnog sa Sorsogon matapos ang negosasyon sa NBI.
Base sa insiyal na imbestigasyon, kasama niya ang biktima bago maganap ang insidente RNT/SA