Home NATIONWIDE Multi-agency approach vs iligal na paputok, epektibo – DOH

Multi-agency approach vs iligal na paputok, epektibo – DOH

MANILA, Philippines – Naging epektibo pa rin ang multi-agency campaign laban sa mga iligal na paputok bagamat tumaas ang mga pinsalang may kinalaman sa firewirka-reakted injuries.

Ito, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa at sinabi na ito ang unang pagkakataon na inalis ang public health emergency status sa COVID-19 , dahil ang mga nakaraang taon ay nagkaroon ng limitadong pampublikong pagtitipon dahil sa pandemya, na nagresulta sa mas kaunting mga pinsala.

Sinabi ni Herbosa na nakapagtala na ng 116 mga kaso ng fireworks-related injuries.

“Ang assessment ko, siguro satisfactory, kasi ang gusto ko zero deaths from celebrations. Kasi ang lungkot nung mga na-injure, 200 plus injured iyan, mag-uumpisa sila ng 2024 may bandage ang kamay nila or nabawasan ang parte ng katawan nila,” saad ni Herbosa.

Ayon sa DOH, umakyat na sa 231 ang kabuuang pinsala, kung saan 49% ng mga kaso o 113 ay nagmula sa National Capital Region.

Labindalawang porsyento ng mga kaso, o 27, ay nagmula sa Central Luzon, habang 10% o 10 kaso ay mula sa Ilocos Region. Ang may pinakamaliit na bilang ng kaso ay ang: Davao Region, Mimaropa, Northern Mindanao, Central Visayas at ang Cordillera Autonomous Region.

Muli ring iginiit ni Herbosa na dapat ding paigtingin ng mga law enforcement agencies ang kanilang pagsisikap dahil nananatiling available sa publiko ang mga ilegal na paputok.

Ang mga paputok na nagdulot ng pinakamaraming pinsala ay ang Kwitis, 5-Star, Boga, Piccolo, Whistle Bomb, Pla-Pla, at Luces.

Sinabi ni Herbosa na ang 5-Star, Boga, Piccolo at Pla-Pla ay itinuturing na mga ilegal na paputok.

Mayroon ding iniulat na 5 kaso o biktima ng stray bullet at may tatlong bagong amputation cases o yung mga naputulan ng daliri na nagdala sa kabuuang 11.

Walang mga ulat ng paglunok sa ngayon, ngunit ang DOH ay patuloy na susubaybayan sa sitwasyon para sa iba pang mga pinsala dahil ang ibang mga biktima ay maaaring hindi pa nakakapunta sa mga ospital.

Tungkol naman sa polusyon sa hangin na dulot ng paputok, binigyang-diin ni Herbosa ang pangangailangan ng mga italagang fireworks display sa mga liblib na lugar tulad ng Manila Bay.

“Pag mataas ang particulate matter, that is a danger to our lungs and health.. In fact, ang unang makakaramdam niyan may mga allergic rhinitis, may asthma, at may chronic obstructive lung disease,” sabi ng kalihim. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article134K dumagsa sa New Year’s Eve countdown sa Taguig!
Next articleNCR, Calabarzon binalot ng smog