Home ENTERTAINMENT 134K dumagsa sa New Year’s Eve countdown sa Taguig!

134K dumagsa sa New Year’s Eve countdown sa Taguig!

MANILA, Philippines – Dinumog ng mga fans ng K-pop group na RED VELVET, partikular na ang miyembrong sina Irene, Seulgi, at Wendy, maging ang iba pang Filipino artists na sina Zack Tabudlo, KZ Tandingan, Adie at Ely Buendia ang New Year’s Eve countdown sa Bonifacio Global City.

Ang countdown celebration na “NYE at the 5th: New Year’s Countdown,” ay ginanap sa 5th Avenue, Bonifacio High Street sa BGC.

Sa ulat, mahigit 134,000 katao ang nagtungo sa selebrasyon.

Kabilang sa mga inabangan ay ang performance ng Red Velvet members. Sina Irene at Seulgi ay nagtanghal ng kanilang awiting “Monster” at “Naughty,” habang nagkaroon naman ng solo performance si Wendy para sa kanyang awiting “I Like Water” at “Why Can’t You Love Me?” RNT/JGC

Previous articlePagtatalaga ng fireworks display areas isinusulong ni Herbosa
Next articleMulti-agency approach vs iligal na paputok, epektibo – DOH