Home METRO Municipal agri officer sa Leyte pinagbabaril-patay

Municipal agri officer sa Leyte pinagbabaril-patay

TACLOBAN CITY – Pinatay ang isang municipal agriculture officer ng Villaba, Leyte, na nagsilbi ring lay minister, ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Viillaba noong Linggo, Hunyo 9.

Inatake ang biktimang si Marcing, 52, residente ng Barangay Poblacion, Leyte, matapos magsagawa ng misa sa dalawang barangay sa Leyte, Leyte.

Nadiskubre ng pulisya ang biktima na nakahandusay sa lupa at may maraming tama ng bala sa Barangay Cabungahan may 13 kilometro ang layo mula sa town proper ng Villaba.

Ang biktima na nagmamaneho ng itim na kotse mula sa Barangay Bagabao at Mataloto ay binaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Dead on the spot ang mga suspek at naglakad ang mga suspek patungo sa loob ng Barangay Cabungahan.

Kinuha umano ng mga armado ang sling bag ng biktima na naglalaman ng pera, cellphone, at sacramental bread.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya. RNT