Home ENTERTAINMENT Mura, muling nananawagan ng tulong!

Mura, muling nananawagan ng tulong!

Manila, Philippines- Kung tingin niya’y malaking dagok na nang masunugan sila noong May this year ay nagkamali pala si Allan Padua.

Allan Padua ang totoong pangalan ng aktibong komedyante noon na si Mura.

Kung matatandan, itinambal si Mura kay Mahal.

Nitong Mayo, napilitang tumira si Mura at ang kanyang ama sa waiting shed nang masunog ang kanilang tirahan sa Bicol.

Aksidente ang nangyari nang mabilis na kumalat ang apoy sa ipinagawang bahay ni Mura.

Sinisilaban kasi ng kanyang ama ang mga insekto sa kanilang tirahan.

‘Yung alipato o embers ang siyang dumila sa mga combustible materials sa loob ng bahay.

Now is much worse.

Muling binalikan ng vlogger na si Virgelyncares si Mura.

Habang iniinterbyu nga’y napadumi pa sa kanyang salawal si Mura.

Ayon sa kuwento nito, pinabayaan na raw sila ng kanyang ama ng kanyang kapatid.

Inalala ni Mura ang mga panahong may pera raw siya.

At his beck and call daw ang kanyang mga kaanak, always around to support or assist him.

Pero ngayong wala na raw siyang pera’y nangawalang lahat ang kanyang mga kaanak.

Silang dalawa lang ng kanyang tatay ang magkasama.

Hindi man niya masabi nang diretso, halatang nananawagan ng tulong si Mura mula sa mga taong may mabuting kalooban. Ronnie Carrasco III