Home NATIONWIDE Pag-apruba ng Senado sa ‘Ligtas Pinoy Centers Act’ pinuri ni Bong Go

Pag-apruba ng Senado sa ‘Ligtas Pinoy Centers Act’ pinuri ni Bong Go

Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bil No. 2451, o ang Ligtas Pinoy Centers Act, isang panukalang batas na naglalayong magtatag ng permanenteng mandatoryong evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

Ang pinakahihintay na panukalang ito ay layong mabiogyan ng ligtas kanlungan ang mga Pilipinong naaapektuhan ng mga natural na kalamidad.

Pinasalamatan ni Go, principal author at co-sponsor ng panukalang batas, ang kanyang mga kasama sa Senado, partikular si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada bilang principal sponsor, sa pagbibigay prayoridad sa panukala.

“As principal author of this measure, I just want to commend our colleagues and congratulate the sponsor of this bill, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, for prioritizing this measure,” ani Go sa kanyang manifestation sa Senate Plenary Session noong Lunes, Setyembre 23.

Binigyang-diin ni Go ang kahinaan ng Pilipinas sa mga natural na kalamidad dahil sa lokasyong heograpikal nito at partikular na binanggit ang hirap na kinakaharap ng mga naninirahan sa mga komunidad sa baybayin.

“Our country is highly vulnerable to natural hazards, attributed primarily to our country’s location. We cannot deny the plight of the Filipino people who live along coastal communities and many others who are prone to such dangers,” anang mambabatas.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin din niya ang epekto ng mga sakuna sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga mahihirap.
“It is incumbent upon us that we realize and sympathize with their pain and grief when their homes and livelihood get destroyed in the middle of an earthquake, or when they are withered by the crushing winds of a typhoon, or when flames engulf their household turning their hopes and dreams into ashes,” sabi ni Go.

“When these disasters strike, the Filipinos, especially the underprivileged, suffer the most,” dagdag ni Go.

Mula sa kanyang mga personal na karanasan sa pagbisita sa mga lugar na sinalanta ng sakuna, ikinuwento ni Go kung paano madalas na ginagamit ang mga paaralan, covered court, at gym bilang pansamantalang evacuation center, na nakakagambala sa buhay ng mga estudyante at komunidad.

Ikinalungkot ni Go ang hindi magandang kondisyon sa mga evacuation center na ito, kung saan ang evacuees ay kadalasang nagkakasakit o nagtitiis ng pagkakalantad sa iba’t ibang elemento sa panahon ng bagyo. Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa malinis, komportable, at mahusay na gamit sa mga evacuation center na may tamang sanitasyon at mga medikal na suplay.

“Panahon na po na magkaroon tayo ng maayos, malinis, komportable, at maayos na sanitation, at may mga gamot na evacuation center,” giit ni Go.

Layunin ng Ligtas Pinoy Centers Act na tugunan ang mga isyung ito sa pamamagitan ng pagtiyak sa pagtatayo ng mga mandatory evacuation center na tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad kung saan sila makababangon bago bumalik sa kanilang mga tahanan.

“With this bill, Mr. President, we will now have evacuation centers in all cities and municipalities which will cater to the basic needs of the victims of these disasters and provide them temporary shelters that will guarantee their safety, and guard their welfare while they recover and rebuild their homes and their lives,” paliwanag ni Go. RNT