Home METRO Sen. Bong Go naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Tondo

Sen. Bong Go naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Tondo

MANILA, Philippines – Namahagi ngayong umaga ng Martes, Setyembre 24, ng tulong si Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa mga residente na nasunugan kamakailan sa Aroma, Vitas sa Tondo, Maynila.

Sa kanyang mensahe sa kanyang personal na pagbisita sa Barangay 105, sinabi ng Senador na hindi baleng nawalan ng gamit o ari-arian bastat ang mahalaga ang buhay– na buhay ang bawat residente.

Dahil sa madalas na insidente ng sunog, sinabi ng Senador na may isinusulong itong panukala — ang Evacuation Center Act kung saan nakapasa na sa ikatlong pagbasa sa Senador.

Sinabi ni Sen. Go na ang mga nasunugan ay walang maayos na matutuluyan,palikuran at mahihigaan kaya naman naisip niya ang nasabing panukalang batas para sa ikabubuti ng mga residente.

Ipinaalala rin ng senador na siya ang Chairman sa Committee on Health at Sports sa Senado kaya naman paalala niya sa mga kabataan na mag-aral mabuti.Hinikayat din niya ang mga kabataan na iwasan ang masamang bisyo lalo na ang illegal na droga.

Pakiusap ng senador, huwag sayangin ang naumpisahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang kriminalidad.

Kasama sa mga samut-saring ayuda na ipinamahagi ng senador sa 500 pamilyang nasunugan ang grocery packs, water container upang may magamit sa kanilang pag-iigib, pagkain, sapatos, bola, t-shirts at bisikleta.

Bukod dito, sinabi ng senador na nakipag-ugnayan na ito sa National Housing Authority (NHA) upang i-validate ang mga kuwalipikadong residente na maaring mabigyan ng housing materials. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)