Home NATIONWIDE Metro Manila, 4 probinsya makararanas ng malakas na pag-ulan ngayong hapon

Metro Manila, 4 probinsya makararanas ng malakas na pag-ulan ngayong hapon

MANILA, Philippines – Ibinabala ang matinding pag-ulan na may kasamang kidlat sa Metro Manila at apat na lalawigan ng Luzon ngayong Martes ng hapon.

Sa isang thunderstorm advisory na inilabas bandang 3:08 p.m., sinabi ng state weather bureau PAGASA na ang mga apektadong lugar ay:

Metro Manila (Quezon City, Caloocan, Pasig, San Juan, Manila, Marikina),

Bulacan (Bulakan, Hagonoy, Paombong, Malolos, Meycauayan, San Jose del Monte),

Batangas (Lemery, Taal, Santa Teresita, San Nicolas, Alitagtag, Cuenca, San Luis, Calaca, Balayan),

Zambales (Subic, San Antonio, Botolan, San Marcelino, Cabangan, San Felipe, San Narciso), at

Nueva Ecija (Carranglan, Munoz, Cabanatuan, San Antonio, Jaen).

Ang lagay ng panahon ay maaaring magpatuloy sa loob ng dalawang oras at makakaapekto sa mga kalapit na lugar.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na magsagawa ng pag-iingat laban sa flash flood at landslide.

Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin ang inaasahan sa Tarlac, Pampanga, Bataan, Quezon, Rizal, Cavite at Laguna sa susunod na dalawang oras. RNT