Inaasahan ng Department of Labor and Employment na lalampas sa mahigit P1 bilyon ang tulong mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers (TUPAD) program sa Western Visayas sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Melisa Navarra, DOLE-6 OIC assistant regional director, ito ay matapos nilang ipatupad ang P635 milyong halaga ng TUPAD assistance mula Enero hanggang Àgosto.
Sinabi ni Navarra na 134,144 displaced and disadvantaged workers ang nakinabang mula sa TUPAD sa Aklan,Antique,Capiz ,Guimaras,Iloilo at probinsya ng Negros Occidental gayundin ang highly urbanized cities ng Iloilo at Bacolod.
Kabuuang P2.45 bilyon ang naibigay para sa mga programa ng TUPAD para sa 504,450 benepisyaryo mula nang magsimula ang administrasyong Marcos noong Hulyo 2022.
Ayon sa datos ng DOLE-6, mahigit P768-milyong halaga ng TUPAD projects ang ipinatupad para sa 167,345 benepisyaryo mula Hulyo hanggang Disyembre 2022.
Noong 2023, nagpatupad ito ng mahigit P1 bilyon para sa 202,961 na benepisyaryo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)