Home NATIONWIDE Muslim commission nanawagan ng mas mataas na budget sa 2024

Muslim commission nanawagan ng mas mataas na budget sa 2024

MANILA, Philippines – HANGAD ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang mas mataas na budget para sa 2024 matapos na aprubahan lamang ng Department of Budget and Management (DBM) ang alokasyon na ₱900 million.

Sinabi ni NCMF chief Guiling Mamondiong na inaprubahan lamang kasi ng DBM ang ₱925,397,000 na budget ng NCMF para sa susunod na taon at hindi ang panukala nilang ₱1 billion funding.

“We are attending to almost 15 million Muslim Filipinos all over the country. We only have that budget. Naliliitan po ako,” ayon kay Mamondiong sa isinagawang briefing sa budget ng Department of the Interior and Local Government’ (DILG) para sa susunod na taon.

Ang NCMF isang ahensiya na attached sa DILG.

Ani Mamondiong, sa pamamagitan ng mas malaking budget, mababayaran nila ang renta ng kanilang lokal na tanggapan.

“Eighty-three percent of that budget goes to personal services. Ang natitira lang po ay about 17% to answer for the rentals of our offices nationwide,” ayon kay Mamondiong.

“We are appealing to the members of the House to please consider an increase of our budget,” dagdag na pahayag nito..

Tinuran pa ng NCMF na ang karagdagang pondo ay makatutulong sa kanila na ipatupad ang mga programa para sa halal industry.

“We are including as a major program yung halal po, dapat po medyo mataasan po ang budget ng NCMF dito,” ayon kay Mamondiong.

Nauna rito, nakuha naman ng Pilipinas ang pangako ng Malaysian government na tutulong sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na paghusayin ang halal industry nito.

Samantala, tinanong naman ni Lanao del Sur 1st dist. Rep. Mohamad Khalid Dimaporo ang NCMF kung kabilang sa budget nito para sa susunod na taon ang pagpopondo para sa pagtatayo ng tanggapan na titingin sa halal industry sa bansa, ang tugon at paliwanag ng NCMF ay “that the establishment of such an office is likely to happen in 2025.”

“Now, in terms of the office for halal, part of the decentralization is to come up with a halal division under the Bureau of Muslim Economic Affairs,” ayon kay Haidee Ampatuan, NCMF director for planning service.

“We are not yet finalized on that,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “In fact, it’s not included in the 2024 budget because we still have to finalize with the DBM on the setup.” Kris Jose