Home NATIONWIDE MWP sa kasong panghahalay sa menor-de-edad, swak sa kulungan

MWP sa kasong panghahalay sa menor-de-edad, swak sa kulungan

251
0

MANILA, Philippines – Selda ang kinahantungan ng isang Most wanted Person na akusado sa kasong panghahalay at pangmomolestiya sa isang menor-de-edad makaraang matunton ito ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa ulat, ipinag-utos ni Valenzuela Police Acting P/Col. Joseph Talento sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa 39-anyos na factory worker na kabilang sa talaan ng most wanted person ng Valenzuela CPS.

Kaagad namang isinagawa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section ang pagtugis sa akusado makaraan ang natanggap na impormasyon hinggil sa kinarooonan nito.

Hindi na nakapalag ang akusado nang damputin ng mga tauhan ni Col. Talento sa kanilang lugar sa San Miguel Heights, Brgy. Marulas dakong alas-2:40 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 as amended by RA 11648 – The Anti-Rape Law of 1997 (4 counts).

Ang arrest warrant ay inilabas ng Family Court, Branch 16, ng Valenzuela City nito lamang October 20, 2025 na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantalang nakakulong ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here