Home NATIONWIDE ‘Mystery applicants’ ipinakalat ng LTO

‘Mystery applicants’ ipinakalat ng LTO

NAGPAKALAT na ang Land Transportation Office (LTO) ng umano’y “mystery applicants” sa iba’t ibang bahagi ng bansa para obserbahan at matukoy ang mga butas sa lahat ng mga transaksyon sa ahensya.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II na ang hakbang ay naglalayong magkaroon ng mga hakbang upang higit pang mapabuti ang serbisyo ng ahensya sa usapin ng aplikasyon at pag-renew ng lisensya sa pagmamaneho at pagpaparehistro ng sasakyang de-motor.

Sinabi ng LTO chief sa ganitong paraan, matutukoy aniya ng LTO ang problema at gagawa ng mga hakbang upang maging mas mabilis at mas maginhawa ang mga transaksyon sa ahensya para sa mamamayang Pilipino.

“These mystery applicants will personally report to my office their observations in all the LTO offices like how fast or slow the transactions were completed, the convenience and inconvenience they experienced,” sabi ni Mendoza.

“This measure will give us the real picture of what is happening on the ground, especially on the aspect of delivering services to our kababayan,” idinagdag pa nito.

Sinabi ni Mendoza na magsisimula rin siya ng mga pagpupulong sa iba’t ibang transport groups at stakeholders at tinalakay ang mga panukala kung paano pa mapapabuti ang mga serbisyo ng LTO sa buong bansa. Santi Celario