Home NATIONWIDE Naaresto sa election liquor ban 159 na

Naaresto sa election liquor ban 159 na

Dahil sa katigasan ng ulo ay huli sa liquor ban ang isang binatilyong rider matapos na mahulihan ng alak kagabi (May 11, 2025) sa isang checkpoint sa Balayan, Batangas. Larawan kuha ni Joshua abiad

MANILA, Philippines- May kabuuang 159 indibidwal ang nahuli sa paglabag sa liquor ban na ipinatutupad para sa Eleksyon 2025, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na ang tala ay hanggang noong Linggo, alas-11:59 ng gabi.

Batay sa PNP official, may kabuuang 201,438 tauhan mula sa iba’t ibang law enforcement agencies ang idineploy, kabilang ang 163,621 mula sa police organization. 

Nagsimula ang nationwide liquor ban noong Linggo at magpapatuloy hanggang ngayong Lunes, araw ng hahalan.

Naka-full alert ang PNP mula May 3. RNT/SA