Home NATIONWIDE Nabalam na executive clemency sa PDLs, nasa kamay ng Malacanang

Nabalam na executive clemency sa PDLs, nasa kamay ng Malacanang

101
0

MANILA, Philippines – Nagpaliwanag ang Department of Justice (DOJ) sa nabalam na pagkakaloob ng executive clemency ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mahigit isanlibong persons deprived of liberty (PDLs).

Noong Disyembre inirekomenda ng DOJ, Public Attorney’s Office o PAO at Board of Pardons and Parole (BPP) sa Tanggapan
ng Pangulo at Office of the Executive Secretary (OES) ang listahan ng mga pangalan ng PDLs na maaaring mapalaya sa pamamagitan ng executive clemency.

Tradidyunal na nagkakaloob ng executive clemency upang mapalaya ang mga kuwalipikadong PDL.

Ngunit sa pagtatapos ng Disyembre 2023 ay hindi nakapaglabas ng executive clemency ang Pangulo para sa paglaya ng higit sa isanlibong inmates.

Ayon kay DOJ Spokesman Atty Mico Clavano, bagaman dumaan na sa BPP at Parole and Probation Administration ang rekomendasyon nasa MalacaƱang pa rin aniya ang final say.

Ang executive clemency o ang pagpagpapatawad sa isang akusado ba kuwalipikado sa paglaya ay ginagawad ng Pangulo tuwing magpa-Pasko.

Ngunit paliwanag ni Clavano magkakaiba ang sistema ng mga Pangulo ng Bansa.

Posible aniyang pinag-aaralan pa ng MalacaƱang ang mahigit isanlibong pangalan o inmates na nirekomendang makalaya. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here