MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga healthcare professionals at publiko laban sa pagkonsumo NH unregistered food supplements at pekeng gamot.
Partikular na binanggit ang “NASURE Diabetes Care (Foods for Special Dietary Uses)” bilang “unsafe,” binibigyang-diin ang kakulangan nito sa pagpaparehistro.
Babala ng FDA, maaring magdulot ng panganib ang mga gamot na hindi rehistrado kaya inuulit nito ang pagbabawal sa paggawa,import,pagbebenta at distribusyon ng produktong pangkalusugan na hindi dumaan sa tamang proseso o pagsusuri ng ahensya.
Dagdag pa ng FDA, hindi nito masisiguro ang kalidad at kaligtasan ng naturang mga unregistered food products.
Bilang karagdagan sa mga hindi rehistradong food supplement, nagtaas din ng alerto ang FDA sa isang “pekeng” bersyon ng “Ibuprofen + Paracetamol (Alaxan®FR) 200mg/ 325mg Capsule, Loperamide (Diatabs®) 2mg Capsule, at Ibuprofen (Medicol® Advance) 200mg Softgel Capsule.”
Pinapayuhan ang mga konsyuner na bumili lamang ng gamit mula sa FDA-licensed facilities upang masiguro ang kaligtasan at bisa nito.
Naglabas din ng urgent alert sa lahat ng mga establisyimento at mga outlet tungkol sa pagbebenta o pamamahagi ng mga pekeng produkto, na binibigyang-diin ang mga paglabag sa Republic Act No. 9711 at Republic Act No. 8203, ang Special Law on Counterfeit Drugs.
Nagbabala ito na ang pagbebenta ng mga pekeng gamot ay magreresulta sa mga parusa, na binibigyang-diin ang pangako ng ahensya na protektahan ang kalusugan ng publiko at itaguyod ang integridad ng produkto sa merkado.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)