NAPIGILAN ng Indian Navy ang tangkang pag-hijack sa merchant vessel lulan ang ilang crew habang naglalayag sa hilagang bahagi ng Arabian Sea.
Sinabi ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran na hinarangan ng Indian Navy ang Liberian-flagged MV Lila Norfolk, araw ng Biyernes at inilikas ang lahat ng crew members nito.
“All 21 crew members were swiftly evacuated in safety by Indian Navy,” ayon sa envoy sa kanyang post sa X (formerly Twitter).
Kabilang sa mga crew ay 15 Indians at 6 Filipino nationals.
Sa ulat, unang naharang ng Indian Navy warship ang Liberian-flagged MV Lila Norfolk buk carrier isang araw matapos na makatanggap sila ng ulat na sila ay na-hijacked ng 460 nautical miles sa karagatan ng Somalia.
Hind na nila naabutan ang sinasabing mga pirata.
Base pa rin sa ulat na natanggap ng Indian Navy na nasa lima hanggang anim na armadong suspek ang biglang sumakay sa MV Lila Norfolk. Kris Jose