Home NATIONWIDE Nabiling palay ng NFA sumampa sa 97% target para sa H1 2024

Nabiling palay ng NFA sumampa sa 97% target para sa H1 2024

MANILA, Philippines- Iniulat ng National Food Authority (NFA) nitong Biyernes na naabot na nito ang 97 porsyentong target na palay procurement para sa unang kalahati ng taon sa bagong pricing scheme.

Katumbas ito ng 2.93 milyong sako ng palay, na malapit na sa 3.08 milyong sakong target.

“We’re now at 97 percent of our buying target for the first half with the whole month of June left. Farmers in several provinces in northern Luzon have yet to complete their harvest and they’ve appealed to the NFA to continue with our procurement,” pahayag ni NFA acting administrator Larry Lacson.

Sa pamamagitan ng mas mataas na buying price range, nakabili ang NFA ng dry at clean palay sa halagang P23 hanggang P30 kada kilo; at P17/kg hanggang PHP23/kg para sa fresh at wet palay.

Nagtalaga rin ang NFA ng fast lane para sa mga magsasakang nagbebenta ng palay na hindi lalampas sa 50 sako.

Sinabi pa ni Lacson na sisimulan na rin ng NFA ang paggiling sa stock nito upang paluwagin ang NFA warehouses, at maisakatuparan ang 500,000 rice bags na rekisitos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Our problem now, and it is a pleasant one, is that we are running out of space in our warehouses, especially in Region II,” anang opisyal.

Samantala, ikinagalak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagtaas ng rice procurement.

“We are pleased that the NFA Council’s decision has resulted in a significant increase in our rice buffer stock, especially with the onset of the typhoon season,” aniya.

Target ng NFA targets na maabot ang kabuuang 300,000 metric tons ng bigas para sa national buffer stock ng bansa.

Tiniyak ni Laurel na patuloy na magsasaliksik ng mga paraan upang ibaba ang presyo ng bigas, alinsunod sa food security targets ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. RNT/SA