Home NATIONWIDE NAC: Safe conduct pass ipalalabas sa amnesty applicants na may arrest warrants

NAC: Safe conduct pass ipalalabas sa amnesty applicants na may arrest warrants

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Amnesty Commission (NAC) na magpapalabas ito ng “safe conduct pass” sa amnesty applicants na may arrest warrants upang magkaroon ang mga ito ng kakayahang bumisita sa kanilang mga opisina.

Sa press briefing, sinabi ni NAC chairperson Leah Tanodra-Armamento na ang hakbang ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“The President approved our request that the NAC be given the authority to issue safe conduct pass because our applicants, most of them have warrants of arrest and they cannot go to our offices to file their applications,” ayon kay Armamento.

“So our game plan is to go to them, but sometimes we cannot access them because they are in the mountains, they are in hiding,” dagdag na wika nito.

Sa pagpapalabas ng safe conduct pass, tinuran ni Armamento na magagawa ng NAC na epektibong magampanan ang tungkulin nito.

Hanggang nitong Setyembre, sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity of the Philippines (PAPRU) Secretary Carlito Galvez na may 831 dating rebelde ang naghain ng kanilang aplikasyon para sa amnestiya.

Maliban sa safe conduct pass, sinabi ni Armamento na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang paglikha ng 10 pang local amnesty boards para sa mas maging accessible ang aplikasyon. Kris Jose