MANILA, Philippines- Nasa 27 na mga bata kabilang na ang 11 sanggol na walang birth certificates nang isilang ng ‘overstaying’ na ina sa Abu Dhabi, ang pinauwi na sa Pilipinas ngayong linggo matapos makakuha ng wastong dokumentasyon.
Inanunsyo ng Philippine Embassy, noong Nobyembre 5, ang mga bata kasama ang kani-kanilang ina ay legalisado na kasunod ng mahigpit na koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno ng UAE.
“There were 18 mothers,” ayon sa embahada.
Ang hakbang ay ginawa habang ipinagdiriwang ng buong mundo ang ika-35 taong anibersaryo ng Convention on the Rights of the Child.
“The Philippine Embassy in Abu Dhabi and the Migrant Workers Office – Abu Dhabi successfully issued documents to undocumented Filipino children born in Abu Dhabi, and assisted in their repatriation to the Philippines,” ang nakasaad sa anunsyo.
Sinasabi pa na nagtulungan ang Embahada at mga opisyal ng MWO sa Abu Dhabi upang matiyak na ang mga ina at kanilang mga anak ay nabigyan ng wastong dokumentasyon sa pakikipagtulungan sa Abu Dhabi Judicial Department at Department of Health (DoH).
“This brought the total number of Filipinos repatriated to the Philippines to 813, the embassy said. It was also the 12th batch so far,” ang nakasaad sa kalatas.
“As this year marks the 35th anniversary of the Convention on the Rights of the Child, the Philippine Embassy in Abu Dhabi and MWO-Abu Dhabi continuously advocates for the Convention’s objective of recognizing the inherent dignity and the equal and inalienable rights of all members of the human family that is the foundation of freedom, justice, and peace in the world,” ang inihayag pa rin ng Embahada.
Sa ulat, sinabi ni Labor Attaché John Rio Bautista, MWO head ng Philippine Consulate General, sa panayam sa kanya na may 146 kaso ng mga bata ang walang birth certificates dahil ang mga ito ay ipinanganak sa ‘unwed o hindi kasal’ at overstaying mothers na naitala sa unang 12 araw ng amnestiya ng UAE government.
Nagsimula ang programa noong Setyembre 1, 2024, at nag-extend hanggang Disyembre 31, 2024.
Ang isang buntis o nagdadalang-tao, overstaying mother ay mas pinipili pa na huwag manganak sa ospital, sa pangambang arestuhin dahil sa kawalan ng legal na papel.
Karamihan ay nanganganak ang mga ito sa ‘shared apartment units’ pinangangasiwaan ng midwife, kadalasan ay hindi naman certified.
May mga kaso aniya na patay nang ipanganak ang bata dahil ang overstaying mother ay walang wastong prenatal care, ang mga klinika kasi ay nagre-require ng tamang IDs.
Mayroon din aniyang pagkakataon sa nakalipas na may isang unlicensed midwife ang tumulong sa isang ina na manganak, subalit ang ina ay namatay dahil sa impeksyon. Kris Jose