Home ENTERTAINMENT Nadine at bf, bad trip sa Manila Zoo!

Nadine at bf, bad trip sa Manila Zoo!

Manila, Philippines- Hindi itinago ng magkasintahang sina Nadine Lustre at Christopher Bariou ang galit patungkol sa isang artikulo kung saan dinispley pa ng Manila Zoo ang taxidermy ni Mali.

Si Mali ay ang elepanteng mula pa sa Sri Lanka na iniregalo sa noo’y Unang Ginang Imelda Marcos noong 1977.

Ayon sa Manila Zoo veterinary clinic, pumanaw si Mali–or kilala ring Vishwamali-sanhi ng congestive heart failure.

Nasuri rin siyang merong cancer.

Inis na post ni Nadine sa kanyang Instagram Stories: “Mali’s legacy deserves respect not display!”

Sumang-ayon din ang Filipino-French boyfriend ng Viva artist.

Kahit daw kasi pagkamatay ni Mali, ni katiting na decency ay hindi ipinagkaloob sa kanya.

May pahabol na linya pa si Christophe: “Shame on you!”

While Nadine ended her post with: “Rest in peace!” ay humirit pa uli ang nobyo na sana’y matagpuan nito ang kapayapaang wala sa “cruel world” na ito.

Kilalang marubdob ang adbokasiya ni Nadine pagdating sa pangangalaga sa mga hayop. Ronnie Carrasco III