Home NATIONWIDE Nag-overheat na barko ng PCG, balik pagpapatrolya na

Nag-overheat na barko ng PCG, balik pagpapatrolya na

MANILA, Philippines – Nakabalik na sa pagpapatrolya ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang mag-overheat sa kasagsagan ng pagpapatrolya sa West Pihilippine Sea.

Sa kabila nito, agad namang naayos ang makina ng barko na BRP Teresa Magbanua matapos itong kumpunihin ng mga tauhan ng nasabing barko.

Tinawag naman ng Philippine Coast Guard na minor engine trouble lamang ang naranasan ng barko ng Pilipinas kung saan makalipas ng anim na oras na pagkukumpuni ay agad ding bumalik sa pagpapatrolya sa nasabing katubigan.

Sinabi rin ng PCG na walang dapat ikabahala ang publiko sa insidenteng ito dahil isa lamang itong minor trouble.

Sa ngayon, kasama na ang BRP Teresa Magbanua sa pagpapatrolya at nagsasagawa ng radio challenge para paalisin ang monster ship ng Chinese Coast Guard sa karagatan ng Capones Island sa Zambales. Jocelyn Tabangcura-Domenden