Home METRO Nagbenta ng boga, tiklo sa buy-bust ops

Nagbenta ng boga, tiklo sa buy-bust ops

254
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga operatiba na pinangunahan ng District Special Operations Unit ng Southern Police District (DSOU-SPD) ang isang lalaki na nagbebenta ng baril sa ikinasang buy-bust operation sa Parañaque City, Biyernes ng gabi, Oktubre 10.

Sa ulat na isinumite ng DSOU kay SPD Director P/Brig. Gen. Randy Arceo, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Marco, 22, residente ng Seaside Square, Barangay Tambo, Parañaque City.

Sinabi ni Arceo na inaresto ang suspek ng mga operatiba ng DSOU sa pakikipagtulungan sa District Intelligence Division (DID), District Mobile Force Battalion (DMFB), at Parañaque City Police bandang alas-7:45 ng gabi sa parking area ng Andres Pares and Budbod Restaurant na matatagpuan sa kahabaan ng Service Road, Roxas Boulevard, Barangay Tambo, Parañaque City.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunsod ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant tungkol sa ilegal na aktibidad ng suspek at sa serye ng mga insidente ng robbery-holdup sa lugar.

Nakumpiska sa posesyon ng suspek ang isang kalibreng .9mm Armscor pistola, isang magazine na kargado ng dalawang bala, kulay itim na sling bag na pinaglagyan ng baril, at ang ₱1,000 marked money na kasama ng 14 piraso ng tig-₱1,000 boodle money na ginamit sa operasyon.

Sa pagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ay nadiskubre na dati nang sangkot ang suspek sa patong-patong na kasong paglabag sa RA 10591, PD 1602, RA 9165, robbery, at theft.

Dinala ang suspek at ang narekober na baril sa tanggapan ng DSOU para sa dokumentasyon at paghahanda ng kasong isasampa laban sa kanya sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

“I commend our operatives for their swift action and professionalism in this successful operation. This accomplishment reflects the Southern Police District’s unwavering commitment to curb the proliferation of illegal firearms and safeguard the communities we serve,” ani Arceo. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here