Home METRO Nagnenok ng motor tigok sa mga parak

Nagnenok ng motor tigok sa mga parak

161
0

QUEZON – Nasawi ang isang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo matapos makasagupa ang pulisya sa Lucena City, Quezon ngayong Biyernes, Pebrero 13, 2026.

Base sa ulat, natunton ng Lucena City Police ang suspek habang sakay ang ninakaw na motorsiklo. Na-korner siya ng mga awtoridad, dahilan upang bumunot ng baril at paputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang pulisya, na ikinasawi ng suspek.

Napag-alaman din na may nakabinbing arrest warrant ang suspek kaugnay ng hiwalay na kaso ng pagnanakaw.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga kaanak ng nasawi. Gayundin, tumanggi ring magsalita ang kanyang kasamahan na naunang naaresto. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here