Home METRO P18.2-M marijuana winasak ng militar sa Sulu

P18.2-M marijuana winasak ng militar sa Sulu

129
0

SULU – Winasak ang humigit-kumulang 21,200 na fully grown at high-grade na marijuana na nagkakahalaga ng P18.2 milyon, kung saan nasamsam ang mga matataas na kalibreng baril sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa dalawang liblib na plantasyon sa Kalingalan Caluang, Sulu nitong Huwebes, Peb. 12, 2026.

Ayon kay Brig. Gen. Alaric Avelino Delos Santos, kumander ng 1102nd Infantry Brigade ng Army, natuklasan ang mga taniman sa mga barangay ng Masjid Punjungan at Pitogo.

“The scale, maturity, and quality of the plantations indicate an organized and well-established illegal cultivation operation situated in remote and difficult terrain,” ani Delos Santos.

Nakatakas ang mga hinihinalang nagtatanim, na kinilala bilang alias Mods at kanyang mga kasamahan, at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Narekober din ng mga tropa ang anim na matataas na kalibreng baril na iniwan ng mga suspek, kabilang ang apat na M-16 rifle, isang M-14 rifle, at isang Garand rifle, pati na ang mga bala.

Sinabi ni Delos Santos na nagpapatuloy ang mga follow-up operation upang pigilan ang mga grupong kriminal na makapagtatag ng impluwensiya sa lalawigan.

Ayon naman kay Maj. Gen. Leonardo Peña, kumander ng 11th Infantry Division ng Army, ipinakita ng operasyon ang matibay na koordinasyon ng militar, pulisya, at Philippine Drug Enforcement Agency.

“These results demonstrate the effectiveness of a whole-of-government approach,” ani Peña.

Sinunog sa lugar ang mga nabunot na halaman ng marijuana. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here