MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit isang milyon ang nagparehistrong bagong botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ang pagpapatuloy ng voter registration ay tatagal hanggang May 2026.
Sa pinakahuling datos ng poll body, may 1,020,694 na nagpatala mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa Comelec, may pinakamaraming naitalang nagparehiistro ang Region IV-A Calabarzon na mayroong mahigit 100,000 registrants.
Mahigit 55,000 naman ang nagparehistro mula Region 3 o Central Luzon.
Pumalo naman sa mahigit 53,000 ang nagpatala sa National Capital Region o NCR.
Sa mahigit isang milyong nagparehistro, nasa 230,000 ang aplikante sa Sangguniang Kabataan o edad 15 hanggang 17. Jocelyn Tabangcura-Domenden