MANILA, Philippines – Muli na naming nakaranas ng mainit na temperature ang Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa isyu sa cooling system ng pasilidad.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), pansamantala nitong pinatay ang ilang chiller matapos makita ang “high operational temperature” mula sa ito.
“As a precautionary and necessary measure to prevent potential major damage to the entire cooling system, MIAA was constrained to temporarily shut down the chillers to determine the cause of the problem,” sinabi ng MIAA.
Dagdag pa ng ahensya, nilinis na ang mga chiller para maibalik ito sa optimal operational conditions.
“While troubleshooting activities are expected to be completed tomorrow morning, improved temperature levels may be anticipated by noontime,” ayon sa MIAA.
Nag-deploy na ng cooling fans sa mga apektadong lugar sa airport.
Inabisuhan din ang mga byahero na magdala ng pamaypay, tubig at magsuot ng mapreskong damit.
Ang isyu sa cooling system ng NAIA 3 ay mahigit isang buwan lamang matapos na maabala ang mga biyahero sa pagpatay sa cooling system ng terminal sa paglalagay ng 6 bagong cooling towers. RNT/JGC