Home NATIONWIDE NAIA airport fee hike aprubado ng gabinete – DOTR

NAIA airport fee hike aprubado ng gabinete – DOTR

157
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Huwebes, Oktubre 3, na ang pinakabagong hike sa airport fees sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) ay napag-usapan sa ilang Cabinet meetings at hindi isang unilateral decision ng Department of Transportation (DOTr).

Sa pahayag, sinabi ni Bautista na sa pinakabagong report, sinasabi na ang airport fee hike ay isang unilateral decision ng ahensya na isa umanong “false statement.”

“Sinasabi dun na we approved the rates without approval from Cabinet. It passed through the Cabinet meetings. We had many Cabinet meetings to discuss this,” ani Bautista.

Dagdag pa niya, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay suportado ang naturang hakbang.

Sa kabila nito, sinabi ng DOTR chief na wala silang planong kasuhan ang indibidwal na naglathala ng pekeng report.

Nitong Lunes, sinupalpal ni Bautista ang report ng business news website na “Bilyonaryo,” bilang “malicious and unfounded.”

Sinabi kasi sa report na nahaharap sa pagbusisi sina Bautista at DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Bobby Lim matapos ang fee hike na wala man lamang go signal mula sa Gabinete.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng New Naia Infrastructure Corp. (NNIC) na mas mataas na airport terminal fees na eepekto sa Setyembre ng susunod na taon, kung saan mula P200 ay magiging P550 na ito sa domestic terminal fee, habang ang international passengers ay magbabayad ng P950 mula sa dating P550.

Inanunsyo rin ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang implementasyon ng mas mataas na parking rates sa NAIA simula Oktubre 1. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here