Home NATIONWIDE Naitalang kaso ng heart attack, stroke at asthma ngayong holiday season, nadagdagan...

Naitalang kaso ng heart attack, stroke at asthma ngayong holiday season, nadagdagan pa – DOH

264
0

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang mga kaso ng inatake sa puso, nastroke at asthma hanggang nitong bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

Sa tala ng Department of Health (DOH) na mga kaso ng non-communicable diseases ay mula December 21 hanggang umaga ng Miyerkules.

Ayon sa Kagawaran, mayroong 18 kaso pa na nadagdag na mga inatake sa puso, na-stroke at tinamaan ng asthma.

Batay sa datos ng Health Department, 14 mula sa 25 kaso ng atake sa puso ang edad 60 pataas.

Nasa 15 sa 45 na tinamaan ng acute stroke ang 60 pataas habang nasa siyam ang kaso ng asthma o hinika kung saan apat dito ang nasa siyam na taong gulang pababa.

Dalawa naman ang nasawi sa mga naturang kaso kung saan isa ang dahil sa stroke at isa sa atake sa puso.

Sa kabila nito, mas mababa anila ang mga naitala kumpara sa kaparehong panahon noong 2024.

Ayon sa DOH, isinasama na nila ang pagmomonitor sa mga ganitong pasyente bilang bahagi ng Ligtas Christmas Campaign. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here