Home METRO Nakagapos na bangkay ng babae umalingasaw sa Laguna

Nakagapos na bangkay ng babae umalingasaw sa Laguna

LAGUNA – UMALINGASAW sa Laguna ang naaagnas na katawan ng isang babae mula sa Metro Manila na isang buwan nang naiulat na nawawala.

Base sa lokal na pulisya na ang bangkay ay natagpuan noong hatinggabi noong Biyernes sa isang madamong bahagi ng Barangay Sta. Cruz, Bay, Laguna.

“Nakipag-coordinate sa amin ang National Bureau of Investigation (NBI) team hinggil sa update sa taong nawawala simula noong June 10 sa Quezon City,” ani Major Ruffy Taduyo, Bay, Laguna chief of police.

Sinabi ng NBI team na nakatali ang mga paa ng biktima. Ang katawan ay nasa decomposition state na o nabubulok na ito.

Walang residente sa lugar kung saan natagpuan ang biktima na dating tambakan ng basura.

Ang bangkay ay isinailalim sa creamation at dinala sa Quezon City.

Patuloy na iniimbestigahan ng NBI ang insidente. RNT