Home NATIONWIDE Nakalalasong school supplies ibinabala

Nakalalasong school supplies ibinabala

160
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng BAN Toxics ang Food and Drug Administration (FDA) na i-utos ang agarang pagbawi sa mga school supples ng mga bata na may pamanganib na kemikal upang maprotektahan ang mga bata sa pagkakalantad.

Nagsagawa ang Toxic watchdog group ng test-buy sa 12 piling school items kabilang ang kiddie backpacks, water containers, pencil,pencil cases/pouches, sharpeners, painted rulers, crayons, crayon casing, ibat-ibang erasers, watercolors, raincoats at colorful vinyl paper clips.

Ang nasabing mga school items ay binili sa tatlong lokasyon—Manila,Pasay at Quezon City para sa chemical analysis at product labeling review.

Nadiskubre na nagtataglay ng mataas na level ng toxic lead sa dalawang samples gamit ang

Vanta C Series HH XRF Analyzer, ang kiddie backpack na mayroong 11,900 parts per million (ppm) at 48,000 ppm sa water container.

Bukod pa rito, ang lahat ng mga gamit sa paaralan ay walang kumpletong impormasyon ng produkto at mga warning labels na kinakailangan para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamimili.

“Manufacturers and importers must comply with the regulations on hazardous chemicals in products intended for children,” sabi ni Thony Dizon, Toxics Campaigner of BAN Toxics.

Ayon pa sa grupo, ang warning signal ay babala rin sa mga nagtitingi at mamakyaw ng mga gamit sa paaralan na ang mga hinder rehistrado at hindi naabisuhan na mga produkto ay pinarurusahan ng batas.

“They should voluntarily remove from tgheor shelves products that do not meet the safety standards of the FDA”, dagdag ng grupo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here