Home NATIONWIDE Nakalalasong tumblers ibinabala

Nakalalasong tumblers ibinabala

161
0

Nagbabala ang Environmental group Ecowaste Coalition sa publiko laban sa paggamit ng makukulay na tumblers na naglalaman ng mataas na lead content.

Sinabi ni EcoWaste Coalition National coordinator Aileen Lucero, base sa kanilang observasyon kapag pinturado ay kadalasang meron itong lead o tinatawag na tingga.

Noong 2017, ipinagbawal ang lead sa mga pintura sa bahay sa Pilipinas dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Kinokolekta at sinuri ng Ecowaste ang 30 imported na tumbler at iba pang reusable na bote, at kalahati sa mga ito ay bumgsak.

Ang ilang makukulay na baso ay natuklasang may lead content na 100,000 parts per million.

Ayon sa ulat , karamihan sa gumagamit ay kabataan dahil sa nakakaakit nitong mga kulay at disenyo.

Ayon sa Department of Health (DOH)- Disease Prevention and Control Bureau, dahil ang lead ay isang neurotoxin, malamang na magkaroon ito ng epekto sa utak na may matagal na exposure.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here