Home NATIONWIDE Namatay na Gr. 4 matapos deworming, tatalupan ng NBI

Namatay na Gr. 4 matapos deworming, tatalupan ng NBI

1
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang National Bureau of Investigation ng autopsy at imbestigasyon sa pagkamatay ng walong taong gulang na Grade 4 pupil sa Cavite matapos ang routine deworming activity sa kanyang paaralan, ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Martes.

Humingi ng tulong sa NBI Homicide Division nitong Lunes ang mga magulang ng bata na sina Leo at Rutchie Mission upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng kanilang anak.

Sinabi ni Matibag na isasama sa imbestigasyon ang initial death certificate ng estudyante.

“When we have the findings already, we will inform, first the family of course, and if it is allowable already, we will inform the public through the media,” pahayag ni Matibag.

Nauna nang sinabi ng Department of Education na batay sa initial findings, namatay ang bata dahil sa impeksiyon na nauwi sa septic shock.

Gayunman, sinabi ng ama ng bata na walang anumang karamdaman ang kanyang anak bago isinagawa ang deworming activity sa paaralan. Iginiit din niyang nais nilang ipa-autopsy ang bangkay.

Sinabi ni Mission na magsasampa sila ng kaso sakaling mapatunayang kapabayaan ng paaralan ang naging sanhi ng pagkamatay ng kanilang anak.

Namatay ang bata noong Hulyo 3. Siya ay Grade 4 student ng Hugo Perez Elementary School-Annex sa Trece Martires City, Cavite. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here