Home NATIONWIDE Namumuong bagyo magpapaulan sa bansa

Namumuong bagyo magpapaulan sa bansa

153
0

MANILA, Philippines – Magdadala ang Low Pressure Area (LPA) ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Rehiyon ng Bicol, Silangang Visayas, Hilagang Mindanao, Caraga, Davao Region, Isabela, Aurora, Quezon, Marinduque, at Romblon ngayong Miyerkules, iniulat ng PAGASA.

Ang mga flash flood o landslide ay maaaring mangyari sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Iniulat ng weather bureau na alas-3 ng madaling araw ng Miyerkules, tinatayang ang LPA batay sa lahat ng makukuhang datos ay nasa layong 200 kilometro silangan hilagang-silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Samantala, maaapektuhan naman ng Southwest Monsoon (Habagat) ang western sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang natitirang bahagi ng MIMAROPA, Visayas, at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng CALABARZON ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Ang mga flash flood o pagguho ng lupa ay maaaring mangyari sa panahon ng matinding bagyo.

Ang bilis ng hangin para sa kanlurang bahagi ng Luzon ay magiging katamtaman hanggang sa malakas at kikilos sa timog-kanluran hanggang timog-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Ang Mindanao at kanlurang bahagi ng Visayas ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa timog-silangan hanggang timog-kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin na kumikilos sa direksyong silangan hanggang timog-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin.

Sumikat ang araw bandang 5:36 a.m., at lulubog ito ng 6:29 p.m. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here