MANILA, Philippines – Walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 draw nitong Martes, Hulyo 16, 2024.
Bokya ang mga mananaya sa P148,846,017.20 na jackpot prize para sa Super Lotto 6/49 matapos walang bettor ang nakahula ng tamang kumbinasyon na 34-46-43-28-29-35.
Wala ring nakahula ng winning combination para sa Ultra Lotto 6/58 na 05-28-35-42-29-07 kung saan aabot sana sa P49.5 milyon jackpot ang maiiuwi.
Samantala, ang mga nanalong numero para sa Lotto 6/42 ay 34-19-32-17-03-06 na may P6,122,620 jackpot. RNT