Home METRO Nanay kinatay ng adik na anak

Nanay kinatay ng adik na anak

1
0

KABACAN, Cotabato – Patay ang isang 59-anyos na ginang matapos umanong pagtatagain ng sarili niyang anak na hinihinalang lulong sa droga sa Purok Mabuhay, Barangay Kilagasan sa Kabacan, Cotabato nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa Kabacan police, nasa kusina ang biktima nang lapitan ng kanyang 36-anyos na anak at humingi ng pera. Nauwi umano sa mainit na pagtatalo ang mag-ina matapos walang maibigay na pera ang biktima.

Sa salaysay ng suspek, hindi umano niya napigilan ang kanyang sarili kaya kumuha siya ng mga kutsilyo, itak at ice pick at saka inatake ang kanyang ina.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naaresto naman ang suspek habang tangka umanong tumakas sa tulong ng mga barangay tanod at pulis.

Narekober mula sa suspek ang mga patalim na ginamit sa krimen. Nakakuha rin ang mga awtoridad ng mga drug paraphernalia sa kanyang kuwarto.

Ayon sa pulisya, dati nang naharap sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga ang suspek matapos itong mahulihan ng ipinagbabawal na gamot.

Nahaharap na ang suspek sa kasong parricide at kasalukuyang nakapiit sa kustodiya ng Kabacan police. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here