MANILA, Philippines – Si Florencia de Guzman, 55, ay naharap sa maraming pagsubok sa mga nakaraang taon. Na-diagnose na may stage 4 na breast cancer noong 2021, nanindigan siya bilang testamento sa kapangyarihan ng pag-asa, pananampalataya, at kahalagahan ng suporta mula sa Malasakit Center program—isang inisyatiba na itinataguyod ni Senator Christopher “Bong” Go.
Naalala ni Florencia, ina ng tatlong anak, ang araw na nagbago ang kanyang mundo. Isang ordinaryong araw sa trabaho, bigla siyang nadapa habang naglalakad.
“April 2021 po, naglalakad po ako sa trabaho namin. Natalisod po ako… umuwi ako sa amin, hindi na ako makatayo,” ang kuwento ni Florencia kaya agad siyang humingi ng medikal na atensyon.
Sa panahon ng pagsusuri, si Florencia ay na-diagnose na may stage 4 na kanser. Ang masamang balita ay nakaapekto nang malaki sa kanyal, lalo para sa kanyang mga anak, sa kung ano ang maaaring mangyari sa kanila kung mawala siya.
“Natakot po ako noon dahil sabi ko, mamamatay na ako. Paano ‘yung mga anak ko?” ibinahagi niya.
Desididong ipaglaban ang kanyang pamilya, hiniling ni Florencia sa mga doktor na gawin ang lahat ng makakaya upang matulungan siya. Ang mga paggamot ay nakapapagod, nangangailangan ng regular na PET at CT scan—na parehong napakamahal.
Dito pumasok ang Malasakit Centers sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City, na nag-aalok sa kanya ng lifeline sa kanyang pinakamadilim na sandali.
“Maraming, maraming salamat po sa Malasakit dahil natulungan po nila ako nung magpa-PET scan sa National Kidney,” aniya nang may pasasalamat.
Bawat PET scan ay napakamahal kaya ang tulong na natanggap niya sa Malasakit Center ay napatunayang napakahalaga.
“Malaking tulong po sa akin ‘yun dahil mahal po ng PET scan. Every six months po, nag-PET scan ako. Every three months, CT scan na hindi ko po kayang suportahan dahil may mga gamot pa po akong mahal na hindi ko po naiinom,” paliwanag ni Florencia.
Ang Malasakit Centers ay one-stop shop na tumutulong sa mahihirap na pasyente sa pagbabawas ng kanilang mga gastos sa ospital sa pinakamaliit na posibleng halaga. Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.
Sa ngayon, 166 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa, na batay sa datos ng Department of Health ay nakatulong na sa halos 12 milyong Pilipino.
“Senator, talagang maraming salamat sa inyo. Nandiyan po kayo lagi na tumutulong sa amin,” sabi ni Florencia.
“Ako po’y naniniwala doon sa sinasabi ni Senator Bong Go na ang pagtulong sa kapwa ay (serbisyo) rin sa Panginoon. Kapit na kapit po ako sa Itaas. Para sa mga anak ko na lang to,” dagdag ni Florencia.
Patuloy ang pakikipaglaban ni Florencia sa cancer at lumalaban siya dahil alam niyang hindi siya nag-iisa. RNT