Home METRO Nanay tigok sa anak na may diperensya sa pag-iisip!

Nanay tigok sa anak na may diperensya sa pag-iisip!

MANILA, Philippines- Tuluyan nang hindi nagising sa pagkakatulog ang isang 49-anyos na ginang matapos itong hatawin sa ulo ng isang matigas na bagay ng kanyang anak na lalaki na may diperensya sa pag-iisip, kagabi sa Purok 3 Barangay Sampaloc 1 Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktimang idineklarang dead on arrival sa Greg Hospital sa Sariaya, Quezon dahil sa tinamong sugat sa ulo, na si Mercy Million y Clun 49, biyuda, samantalang ang suspek ay kinilala sa alyas na Jay R, nasa hustong gulang, natukoy na may mental problem, kapwa nakatira sa nabanggit na lalawigan. 

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police Station, dakong alas-10:15 kagabi, habang ang nasabing ginang (biktima ) ay mahimbing na natutulog sa kanilang bahay, bigla itong hinatwa sa ulo ng kanyang anak (suspek) na may diperensya sa pag-iisip. Ellen Apostol