Home METRO P68M pananim, palaisdaan napinsala sa pagsabog ng Mt. Kanlaon

P68M pananim, palaisdaan napinsala sa pagsabog ng Mt. Kanlaon

BACOLOD CITY- Naapektuhan ang mga magsasaka sa dalawang lungsod at isang bayan sa lalawigan ng Negros Occidental sa mahigit P68 milyong halaga ng pinsala sa pananim at palaisdaan dahil sa pagsabog ng Mt. Kanlaon nitong buwan, batay sa ulat mula sa provincial government.

Sinabi ni Dina Genzola, officer in charge ng Office of the Provincial Agriculturist, naapektuhan ng kalamidad ang kabuhayan ng 885 magsasaka na nagtatanim sa 504.4 ektarya ng lupain sa mga lungsod ng Bago at La Carlota at bayan ng La Castellana.

Pumalo naman ang pinsala sa fishponds sa P595,000, ayon sa mg ulat.

Sinabi ni La Castellana Mayor Rhummyla Nicor-Mangilimutan na kailangan ng tulong ng mga magsasaka sa rehabilitasyon ng kanilang lupang taniman.

“Food needs at evacuation centers can be addressed now but the rehabilitation of our farmers’ livelihood will be long-term. We are hoping the Kanlaon volcano’s alert level 2 (moderate level of volcanic unrest) goes down to [alert level] 1 (low level of volcanic unrest),” anang alkalde.

Base kay Nicor-Mangilimutan, ang mga residenteng nananatili sa evacuation centers ay mula sa lahar-prone areas at naninirahan sa mga komunidad na saklaw ng 4-kilometer danger zone ng bulkan.

Iniulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ang 2,922 evacuees sa La Castellana evacuation centers hanggang nitong Hunyo 13.

Magbibigay naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng equipment upang ma-monitor ang air at water quality sa mga lugar na malapit sa Mt. Kanlaon kasunod ng pagputok nito noong Hunyo 3.

Nagtungo si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa Negros noong Huwebes upang makita kung paano inaasistihan ng kanyang departamento ang government agencies na rumeresponde sa epekto ng pasabog.

“What we are trying to do is work very closely with the province in order to identify where it would be best to position the [scientific] instruments so that they can actually be effective in terms of decision-making,” wika ni Yulo-Loyzaga.

“The issue here is the lahar is mobilizing wherever the waterways will allow it to flow. Whether that impacts the communities, agriculture, or the fish in the river, that will be the way they will determine where the instruments should be placed,” patuloy niya.

Handa rin ang DENR na suportahan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa delineation ng danger zone ng Mt. Kanlaon.

“What we are here to do is to support in any way, perhaps in mapping support. Every time there is lahar, the configuration changes,” sabi pa ng opisyal. RNT/SA