Home METRO Babaeng sekyu patay sa pamamaril sa Cotabato CityMETRONATIONWIDETOP STORIES Babaeng sekyu patay sa pamamaril sa Cotabato CityJune 15, 2024 15:45 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines- Wala nang buhay ang isang babaeng security guard na natagpuang may tama ng bala sa katawan sa Cotabato City.Batay sa ulat nitong Biyernes, naganap ang krimen sa Barangay Rosary Heights 3, noong Biyernes ng madaling araw.Sinabi ng mga awtoridad na pwersahang pinasok ng suspek ang bahay ng biktima na natukoy na 35 taong gulang.Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril.Sinisilip na motibo ang personal na away at pagnanakaw dahil napag-alamang nawawala ang wallet at cellphone ng biktima.Iniibestigahan pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng salarin. RNT/SA