Home NATIONWIDE Gay rights bill pinasesertipikang urgent kay PBBM

Gay rights bill pinasesertipikang urgent kay PBBM

MANILA, Philippines- Mahigit 200 organisasyon, kasama si Bataan First District Rep. Geraldine Roman, nitong Biyernes, ang nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isertipikang urgent ang Sexual Orientation, Gender Identity, Expression and Sexual Characteristic (SOGIESC) bill.

Sa isang “love letter” na iprinisenta sa isang news conference ng Equality Alliance, inihirit nila kay Marcos “to make equality your legacy” sa pamamagitan ng pagtitiyak ng karapatan ng lahat, kasama ang LGBTQ+ community.

“The bill, once enacted into law, will protect our country’s economy from the preventable costs of discrimination through inclusive workplaces. It will also improve LGBTIQ+ persons’ access to healthcare and education and enhance Filipino families’ quality of life,” wika ng alyansa.

Binubuo ang alynsa ng koalisyon ng 203 human rights, academic, LGBTQ+, local government units, environment, health, at faith-based groups.

Inihayag ni Roman ang hiling ng mga grupo at hinikayat si Senate President Francis Escudero at Majority Leader Francis Tolentino na maging “consistent” sa pagsuporta nila sa SOGIESC bill.

“I think it would be a call to be consistent with our principles and to give the SOGIESC equality bill its fair share of time in the plenary,” dagdag ni Roman.

Tinutukoy ni Roman ang committee report sa SOGIESC bill ng women, children, family relations, and gender equality panel ng Senado noong 2022 na nilagdaan ng 19 senador, kabilang sina Escudero at Tolentino.

Subalit noong Pebrero, ibinalik ang panukala sa Committee on Rules, pinamumunuan ni Tolentino, matapos hilingin ng ilang religious groups na makiisa sa mga diskusyon.

“For me, it’s not unacceptable for you to just sit on it,” pahayag ni Roman, at sinabing walang pag-usap sa panukala sa loob ng apat na buwan.

Subalit, kumpiyansa ang mambabatas na “mayorya” ng miyembro ng Kamara ang susuporta sa panukala.

“In the lower house, I don’t think we will encounter difficulties, especially with the new batch of legislators who are millennials and [members of the] Gen Z. I’ve been getting messages of support from them about how excited they are to pass this bill,” wika ni Roman.

Bagama’t inamin ni Roman na may mga nakaraang pangyayari kung saan binawi ng mga mambabatas ang kanilang suporta para sa panukala dahil sa “pressures” mula sa religious groups, sinabi niyang nagbago na ang “political landscape” sa Kamara.

“We’re not afraid anymore to vote for what we think will benefit the Filipino nation. For example, the divorce bill,” ani Roman tinutukoy ang 131 in-favor majority votes na nag-apruba sa divorce bill noong nakaraang buwan. RNT/SA