MANILA, Philippines- Naghain na si Senator Nancy Binay ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-alkalde ng Makati City nitong Martes.
Inihain ang kanyang COC sa opisina ng Commission on Elections sa Makati City sa unang araw ng COC filing para sa 2025 polls.
Nauna na niyang inamin na nagdalawang-isip siyang kumandidato dahil sinabi ng kanyang kapatid na si Abby, kasalukuyang alkalde ng Makati, na nais niyang ang asawang si Makati Rep. Luis Campos angf pumalit sa kanya.
“Syempre ang consideration ko is parang at the end of the day, hindi ko puwedeng pabayaan yung mga kababayan ko sa Makati. Kailangan ang mag-aalaga sa kanila ay kayang ibigay ang pag-aalagang ibinigay ng mga Binay,” pahayag ng senador nang tanungin kung bakit siya tatakbo sa pagka-alkalde sa lugar.
Ang Makati City ay balwarte ng mga Binay mula pa noong late 1980s. RNT/SA