Home NATIONWIDE Nangaroling na nene ginahasa, pinatay sa Batangas

Nangaroling na nene ginahasa, pinatay sa Batangas

305
0

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang limang taong gulang na batang babae na nangaroling lamang sa Sto. Tomas, Batangas nitong weekend.

Ayon sa ulat, nakita sa CCTV na noong Biyernes, Disyembre 19 ay mayroong isang lalaking nakapulang shirt ang nagsama sa batang biktima sa bahay nito.

Nitong Sabado, Disyembre 20 ay nadiskubre na lamang ang bangkay ng biktima na nakasilid sa isang sako na kalaunan ay nakumpirma ng mga awtoridad na ginahasa muna bago pinatay.

Sa hiwalay na CCTV footage, makikita ang suspek na bitbit ang bagong sako. Kalaunan ay makikita na nito ang galaw ng suspek na pinaniniwalaang itinapon na ang katawan ng biktima.

“Kami po ay naka-receive ng isang ulat sa pagkakadiskubre ng isang katawan ng isang batang babae, kung saan ito na nga po yung napaulat na nawawala,” pahayag ni Sto. Tomas Police Chief P/Lt. Col. Marlon Cabataña sa panayam ng GMA News.

Naaresto naman ang 22 anyos na suspek na nakita sa CCTV footage kasama ang 33-anyos nitong kasabwat.

Umamit naman ang primary suspek sa krimen na pinatay at ginahasa nito ang bata.

“Gumamit, sir, ng pinagbabawal na gamot… Dumating na ang punto na nandoon na sa taas yung bata, iba na yung takbo ng utak namin.”

Aminado rin ang suspek na plinano nila ng kasabwat nito ang naturang krimen.

“Hindi namin po makaya yung kwan ng droga, hindi po namin kaya kontrolin. Kumbaga wala na po kami sa sarili,” dagdag pa.

Narekober ng mga awtoridad ang ilang sachet ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek at ang tsinelas ng biktima na nakatago sa pader.

Inihahanda na ng Sto. Tomas Police ang reklamong rape with homicide at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek.

Nagpaalala naman ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang na siguruhing ligtas ang mga bata kapag nangangaroling at kung maaari ay samahan ng nakatatanda. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here